“Pag-iingat sa Pangungulila”

Photo credit: scoopboy.com

Photo credit: scoopboy.com

August is National Language Month here in the Philippines or what we commonly call as “Buwan ng Wikang Pambansa.” In line with the month-long celebration and as an artist and a poet, I have written a poem using our native language which is “Filipino.”

*Still working on the English translation. 🙂

PAG-IINGAT SA PANGUNGULILA

Isang malaking pag-aalinlangan,

Nang ika’y aking masilayan.

Napaisip ngunit nagbunyi,

Dahil ako’y tunay mong napangiti.

 

Ngunit pagkakataon ay dumating,

Na parang bumura sa bawat kong hiling.

Na ikaw ay aking makapiling,

Tila ba’y naging bituing walang ningning.

 

Marahil bugso lang ng damdamin,

Maya’t maya lilipas at mawawala din.

Ngunit ako’y nagkamali,

Nang araw ay lumipas, ako pa di’y nagtitimpi.

 

Ano pa nga ba’t nagkaganito?

Madalas na tanong sa sarili ko.

Naiwan ay alaalang kay tamis,

Ngunit may pait at kirot ding ‘di kanais nais.

 

Ito na ang pagdagsa ng damdamin,

Na pilit sa sarili kong inaamin.

Mawawala at mawawala din,

Hangga’t kayang tiisin.

 

Mabuti nang bumitaw,

Habang may sikat pa ang araw.

Liwanag ng kabataan,

Ikaw at ika’y masusundan.

 

Panibagong hamon, panibagong yugto.

Nasa akin ang damdaming hindi kailanma’y susuko.

Na harapin ang bukas ng may pananampalataya.

Ngingiti at ngingiti din at tuluyang lalaya.

Advertisements

2 thoughts on ““Pag-iingat sa Pangungulila”

Got thoughts? Share 'em! :-)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s