Love Is BLOG: Pag-unawa sa Pag-ibig

Sinakto ko talaga na gawin ang sulating ito sa unang araw ng buwan ng Agosto. Isa ito sa aking kontribusyon sa paggunita ng Buwan ng Wika. At ito ay patungkol sa isang akda ng isang kapwa Pilipino.

Paano ko nga ba nabasa ito? Sabihin nating dumaan ako sa isang masalimuot na kaganapan sa aking buhay pag-ibig. Naghanap ng pagpapaliwanag sa aking pinagdadaanan hanggang sa may isang brother in Christ na bukas loob na nagbigay ng kanyang payo patungkol sa usaping pag-ibig. Tawagin natin sya sa pangalang Doctor Eamer, dahil layon nyang tumulong sa “paggamot'” ng mga pusong nasugatan. 🙂

Tin Ginete

Preskripsyon ni Doctor Eamer.

Single ka ba? In a relationship? Married? Nasaktan sa pag-ibig? Masaya sa pag-ibig? Ano pa man ang status mo ngayon sa pakikipag-relasyon, minsan ba e tinatanong mo ang iyong sarili kung paano ba ang magmahal? (Hindi ito ang pelikulang The Breakup Playlist. Pero maganda rin iyon.)

Kung ang sagot mo ay oo, ang akda sa panulat ni Doctor Eamer na pinamagatang Love Is BLOG ay naaayon para sa’yo at nararapat lang na basahin mo ang kabuuan ng sulating ito. 🙂

Tin Ginete

Love is Blog by Doctor Eamer

Ano ba ang Love is BLOG?

Kung ikaw ay nakabisita na sa blog ni Doctor Eamer, marahil may ideya ka na kung ano ang nilalaman ng libro. Pero kung hindi pa at hindi nyo rin kilala si Doctor Eamer, bigyan ko na kayo ng kaunting detalye.

Si Doctor Eamer na may akda ng Love is BLOG ay isang binatang may layon na tumulong para maunawaan natin ang kahulugan ng salitang ito – pag-ibig.

Isa syang graduate student ngayon ng UP Los Baños. Oo, sya ay may angking talino. Kaya ‘wag kang magtataka kung malaman mong nakapagtapos sya bilang cum laude sa UP Los Baños din sa kursong BS Chemical Engineering. Ngunit kapag nakilala mo sya sa pamamagitan ng kanyang mga lathalain, mas hahanga ka sa kanyang katapatan sa paglalahad ng kanyang mga saloobin sa usaping pag-ibig na sadya namang nagpapatunay na hindi lang sya may angking talino kundi may puso ding nagnanais na makatulong sa kapwa sa pamamagitan ng kanyang ask.fm.

Ngayon panigurado gusto nyo ng bisitahin ang kanyang blog, pero antay lang muna tayo ng konti dahil dadako na tayo sa kanyang librong Love is BLOG.

Oo, ito ay patungkol sa pag-ibig. Pero hindi lang ito isang ordinaryong kwento ng pag-ibig. Dahil ang kahulugan ng pag-ibig sa akda nyang ito ay hindi yaong pag-ibig na madalas nating nababasa o naririnig. Kung kaya naman ganun na lamang kalapad ng aking mga ngiti simula isang tenga hanggang sa kabila labas pati gilagid nang matapos kong basahin ang kanyang aklat.

Hindi lamang tuwa at saya ang dala ng pagbabasa ng kanyang libro, nariyan na’t napapaisip ka, napapatango, napapatanong sa sarili pero kadalasan naliliwanagan. “Oo nga noh,”  ‘yun ang alam kong kadalasan mong masasambit habang binabasa ang kanyang libro.

Ang Love is BLOG ay ang unang librong naisulat ni Doctor Eamer na naging produkto ng mga nauna nyang artikulong ipinaskil sa kanyang blog. Isa itong obra maestra na masasabi kong kapana-panabik basahin. Oo, natapos ko sya sa isang upuan lang dahil andun yung pagaasam mo na malaman ang mga susunod na pangyayari at malaman ang kabuuan ng kwento.

Pero kung may isang bagay lang akong labis na nagustuhan sa kanyang libro, ‘yun ay ang pagiging totoo nito. Totoo sa paraang minsan nakikita ko ang sarili ko doon sa mga kwento nya, nakakasabay ako sa agos ng kwento. Sa ibang salita, hindi malayo ang istorya sa mga pinagdaanan at pinagdadaanan ng bawat isa sa atin.

Ooopps, mukhang napapahaba na ito ah. Baka makwento ko na dito ang kwento nya. Ahaha

So paano ‘yan mga kaibigan kong mambabasa, hanggang dito na lang muna at kailangan ko na kayong ilipat sa orihinal na kwentong pag-ibig, ang Love is BLOG. Interesado kang malaman paano makabili ng libro? Kontakin lamang si Doctor Eamer sa email address nya (iamdoctoreamer@gmail.com) o bisitahin ang kanyang blog: https://iamdoctoreamer.wordpress.com/.

Hindi natin alam, baka dahil sa librong ito, mabago din ang buhay mo. Pero panigurado ako, lahat ng katanungan mo sa pag-ibig, mahahanap mo ang kasagutan dito. 😉

At sana makatulong itong bible verse para sa puso nyo mga kapatid:

“Love never gives up, never loses faith, is always hopeful, and endures through every circumstance.” – 1 Corinthians 13:7

Tin Ginete

Love is God, God is love. 🙂

Advertisements

10 thoughts on “Love Is BLOG: Pag-unawa sa Pag-ibig

  1. Tagalog na tagalog! Mabuhay ang ating wika!I like the pictures te! Cute.hehe Talagang nakasama ang pagiging laude ko.hehe Thanks for the review ate! Nawa’y nakatulong ang reseta ko sa iyo! Nawa’y gumaling ka na.hahaha! Cheers to pag-ibig!

    Liked by 2 people

    • Ahaha Bro, maraming salamat sayo at sainyong mga payo. 🙂

      At ikaw ang madalas kong pinagpe-pray na maranasan mo na din ang umibig sa lalong madaling panahon. Altho si God pa din mago-orchestrate nyan. 😛

      Na-miss ko na maging isang makata kaya ayan. Naging tula ang review ko. Ahaha Happy blogging and may God continue to guide us bro! 🙂

      Liked by 1 person

  2. Pingback: Ano ang masasabi nila sa libro kong LOVE IS BLOG? | Doctor Eamer's Blog

  3. Pingback: Ano ang masasabi nila sa libro kong LOVE IS BLOG? - Doctor Eamer's Blog

Got thoughts? Share 'em! :-)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s